Home NATIONWIDE Hirit sa WHO: Hakbang na nagbabawal sa vape ibasura

Hirit sa WHO: Hakbang na nagbabawal sa vape ibasura

MANILA, Philippines – HINILING ng Asia-Pacific civil society group sa mga member countries ng World Health Organization’s global treaty on tobacco control na ibasura ang mga ipinagbabawal na hakbang na naglalayong pagkaitan ang bilyong naninigarilyo na magkaroon ng access sa “less harmful alternatives” gaya ng e-cigarettes at heated tobacco products.

“We are calling on all member states who will be attending the 10th FCTC Conference of Parties on November 20-25 in Pa­na­­ma City to reject prohibitionist proposals contained in COP 10 Provisional Agenda items 6.1 to 6.4 that will just further contri­bute to millions more of unnecessary deaths from smoking,” ayon sa Coalition of Asia Pacific Tobacco Harm Reduction Advocates sa isang pag-uulat.

Binigyang-diin sa ulat ang ‘non-implementation’ ng Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) Article 1 (d) ng WHO hinggil sa “harm reduction strategies.

Sinabi ng CAPHRA na kabilang sa mga ipinagbabawal na hak­bang ng FCTC ang pagturing sa tobacco harm reduction pro-ducts, natuklasan sa ilang scientific studies na “less harmful al­ternatives” sa pagsisigarilyo, ay katulad ng nakapipinsalang siga­rilyo.

Sinabi naman ni Clarisse Virgino, kinatawan ng Piliipinas sa CAPHRA, na kinikilala ng ulat ang karapatan ng mga naninigarilyo na pumili ng mas maayos na opsyon para sa kanilang sarili.

“The Philippines passed the Vape Law in 2022 to provide in­formation and access to less harmful alternatives to cigarettes in the country. The COP10 should take into account that many coun­tries are now moving away from prohibitionist and quit-or-die ap­proach of the WHO-FCTC to help smokers, instead of margina­lizing them,” dagdag ni Virgino.

Nanawagan naman ang CAPHRA sa WHO FCTC na magbi­gay ng “honest, risk-proportionate communication at regulatory re­commendations” para sa THR products.

Sinabi pa sa ulat na sa kabila ng napakalaking scientific evi­dence na sumusuporta sa vaping products bilang less harmful al­ternatives sa paninigarilyo, patuloy na binabalewala ng WHO ang positibong papel na maaaring gampanan ng vaping sa tobacco control.

Tinuran pa rin ng CAPHRA na ang maingat na pagrerebisa sa 2021 global progress report at maging ng mga nakalipas na WHO FCTC biennial progress reports, kabilang na ang kamakailan lamang na inilathala na 2023 WHO report ukol sa global tobacco epidemic, makikita ang pag-abandona sa tobacco harm reduction, na required ng FCTC sa illaim ng Article 1 (d) bilang essential element ng tobacco control.

Sinabi naman sa kamakailan na report ng WHO na ang global to­bacco epidemic ay pumapatay ng 8.7 milyong katao kada taon.

Sinabi ng CAPHRA na sa kabila ng paglikha sa WHO FCTC 20 taon na ang nakalilipas, mayroon pa ring mahigit sa bilyong katao ang naninigarilyo sa buong mundo ngayon, gaya ng nakali­pas na dekada at ang direct at indirect costs ng smoking-related disease ay halos $2 trillion taon-taon. RNT